Abante Tonite Interactive

Manok premyo sa pa-ending

By
2,079

Para sa nag-pm sa akin na si Ricky Mos­toles na taga-Tarlac, kanker po ‘yang ipinakita niyo sa akin sa Facebook, ang pagkakaalam ko klasmeyt hindi na mawawala ‘yan kahit maalis mo ng tsani, ‘yan ay babalik at babalik kasi sa tingin ko malala na ‘yan.

Kung naagapan sana baka mawala pa kasi kaya pang linisin at makukuha pa sa antibiotic ‘yan.

Pero magtanong ka rin sa mga matatandang nagmamanok si­gurado ako may isasagot silang pang lunas dyan sa kanker.

Mga klasmeyt hindi ko kayo sinasagot sa Facebook, kaya dito niyo na lang basahin ‘yung mga sagot ko sa tanong niyo.

***

Good Luck sa mga sumali sa 28th Anniversary 5-Cock derby sa Roligon Mega Cockpit sa Pasay.

Kahapon inumpisahan ang 3-cock eliminations na sinimulan ng alas-dos ng hapon at may 100 sultada ang nilarga.

***
Aba nauuso na naman ang PBA Ending, dito sa site ng Manok for Sale hindi lang bentahan ang makikita at mababasa mo pati PBA Ending meron na.

Ang tatamaan ay hindi pera kundi magagandang manok panabong.

Pinapayagan naman kayo ng admin pero sana doon sa magpapa-ending ay sana maa­ayos ang mga manok na magiging premyo ng mananalo.

***

Sa mga klasmeyt natin sa Pandacan, Manila, Iving Tumaneng, Rodel Diaz magtawag naman kayo ‘pag aakyat kayo sa Farm niyo sa Bulacan.

Good Luck kay Engr. Jong Manzano sa sasalihan niyong 4-cock derby sa Mindoro.