Abante Tonite Interactive

Manolo ready nang ikumpara kay Goma

624

Naging patok ang tambalan nina Snooky Serna at Richard Gomez sa fantasy-love story na “Blusang Itim” noong late ‘80s.

Katunayan, dito nakilala si Goma bilang romantic leading man.

Ngayong taon, magpapakilig naman sina Kyline Alcantara at Manolo Pedrosa sa kuwentong inspired ng nasabing blockbuster movie.

Sey pa ni Manolo, flattered siya na maikumpara kay Richard bilang romantic lead.

Pagbabahagi pa niya, na-inspire rin daw siya sa character ng kasalukuyang Ormoc mayor sa naturang hit movie na siyang naging peg niya sa “Black Lipstick”.

Sure rin daw siyang matutuwa si Goma na gumanap na tatay niya sa isang Star Cinema movie.

“I’ve worked with him before noong nasa ABS pa ako, sa ‘The Love Affair,’” aniya. “When, I worked with him, sobrang bait naman ni Tito Richard and I think he would be excited also for me,” aniya. (Archie Liao)