Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manotoc desidido sa PH Cup

0 333

Bukod sa offer na sa Laoag City gawin ang Philippine Cup ng PBA 46th Season, may imbitasyon rin si Ilocos Norte governor Matthew Manotoc sa mga team para mag-practice sa Centennial Arena.

Pamilyar na sa PBA ang 5,000-seat venue na pinaglaruan ng All-Star Games noong 2005 at 2012.

“Kinumbida na San Miguel group, GlobalPort (NorthPort), NLEX,” anang source Biyernes. “Ewan lang kung inimbitahan din ‘yung iba, pero ‘yung invitation para sa praktis lang.”

Nasa pinakamaluwag na quarantine level na MGCQ sa kasalukuyan ang lalawigan.

Hindi kontra rito si commissioner Willie Marcial basta nasunod ang requirements ng pamahalaan. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.