Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manotoc kinatok PBA kay Ravena

0 207

Umaasa ang sports management agency ni PBA star Kiefer Isaac Ravena na magkakaroon ng tagapamagitna upang makalaro pa rin sa 6th B.League 2021-22 sa Japan ito sa kabila na nakakontrata sa NLEX.

Binunyag ito ni Ilocos Norte Gov. Matthew Manotoc na partner ni Marvin Espiritu sa Espiritu-Manotoc Basketball Management (EMBM), ang handler ng basketbolista na nanawagang payagan ng PBA na makapag-BL ang baller.

SM food to go Banner Ad

“Hopefully, there are compromises and concessions that can be made sa mga player natin,” lahad Martes ng 32-year-old public official sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga binabalikat ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

Hinirit niyang bilang manager sila ni Espiritu kay Ravena, inuuna nila ang kapakanan ng basketball players. Ang EMBM ang may hawak din kina veterans Japeth Paul Aguilar, John Paul Erram, Jason Perkins, Matthew Andre Christopher Wright, rookies Mickey Williams, Alvin Pasaol, Leonard Santillan at iba pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.