Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manotoc may mga isisiwalat

0 188

Panauhin sa unang pagkakataon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition ngayon Martes si Ilocos Norte Governor at sportsman Matthew Manotoc.

Ibabahagi ng dating jungolfer at basketball player, ang sports program ng probinsya at hakbang niya sa sports tourism capital ng Norte kung saan nag-eensayo ang ilang pro at national teams habang may pandemiya.

Makakasama rin sa sports program na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream media, si Integrated Cycling Federation of the Philippines (Philcycling) vice president at MTB Commission chairman Oscar Rodriguez na tatalakayin ang national trials para sa Southeast Asian Games.

(Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.