Abante Tonite Interactive

Manoy matapang na lumalaban sa buhay

539

Vinia Vivar

Kahapon ay muling naglabas ng medical bulletin ang Makati Medical Center hinggil sa update ng kalagayan ni Eddie Garcia. Nakasaad dito na nasa kritikal pa ring kundisyon ang kalagayan ng award-winning veteran actor.

“According to Mr. Eduardo ‘Eddie’ Garcia’s attending physician, Dr. Regina Macalintal-Canlas, as of 12:00 NN of June 14, 2019, Mr. Garcia continues to be in critical condition. He is still in a comatose state and is dependent on ventilator and medications to support his blood pressure,” ang nakasaad sa medical bulletin.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang spokesperson ng pamilya Garcia na si Dr. Tony Rebosa sa panayam ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe tungkol pa rin sa kalagayan ni Tito Eddie.

Ayon sa doktor, tulad din sa mga pelikula nito, matapang daw na luma­laban para sa kanyang buhay si Tito Eddie. Kung iba-iba lang daw ang nasa kalagayan nito, kahit mas bata pa ay baka wala na ngayon.

“Any other lesser soul or mortal would have been a goner long, long time ago. Considering that he is 90 years old,” saad ni Dr. Rebosa.

Pero ayaw rin daw niyang magbigay ng false hope dahil kahit maka-survive raw ito ay maaari raw na maging paralyzed na mula sa leeg pababa.

“I don’t want to give you any false hopes. Masyadong serious ‘yung kanyang neck fracture because it involves the first and the second cervical vertebrae.

“And it’s not just the bone or the vertebrae. Completely transected ‘yung spinal cord niya.

“Those who would survive, quadriplegic sila, paralyzed from the neck down.
“If he does survive, ‘yun ang magiging consequence niya. That’s why, very serious talaga ‘yung kalagayan,” pahayag ng doktor/spokesperson.

Samantala, kagabi ay nagkaroon ng mass and prayer for healing ang mga taga-industriya para kay Tito Eddie. Ginanap ito sa St. Andrew The Apostle Church sa Bel-air, Makati.

Marian naaliw sa mga
nagdebate sa paglobo niya

Tinawanan lang ni Marian Rivera ang mga netizen na nagkomentong medyo mataba siya ngayon. Nag-post kasi ang aktres ng larawan nila ni Zia para sa kanilang isang endorsement at makikita naman nga sa photo na parang nagdagdag nga siya ng timbang.

Komento ng isang netizen, “she gained weight a little bit pero gandara pa dn. Understood kse breastfeed si Baby Ziggy. And no matter what, you’re still Marian Rivera Dantes the most beautiful and sexy.”

May sumagot namang isang netizen din at pinangaralan ang nagkomento.

“Mag 2 months pa lang since she gave birth to sixto..what do you expect? And yes she is breastfeeding. Let’s be sensitive. Di naman kailangan sabihin pa na she gained weight. For obvious reasons naman,” pagtatanggol ng isa niyang follower.

“Hahahaha” lang ang sagot ni Marian sa mga nagsasagutang netizen.