Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Manoy’ ni kumpare pinasabog sa selos

0 180

Wanted ang isang lalaki na binaril ang maselang bahagi ng kanyang kumpare sa San Carlos City, Pangasinan dahil umano sa selos.

Ayon sa San Carlos City Police Station (SCPS), ang biktima ay isang 54-anyos na lalaki, residente ng Brgy. Aponit sa nasabing bayan.

Sa report, nangyari ito noong Miyerkoles ng hapon nang nasa sala ng kanilang bahay ang biktima nang biglang pumasok ang suspek na hindi pinangalanan at biglang pinagbabaril ang biktima.

Tumama ang mga bala sa binti at sa ari ng biktima. Sa kabila nito ay nagawa pa rin niyang tumakbo papalayo sa suspek.

Agad na sumibat ang suspek pagkatapos ng pamamaril.

Samantala, nakuha naman ng mga pulis mula sa pinangyarihan ng insidente ang kalibre .45 na baril.

Sa pagsisiyasat, ang sobrang selos ng suspek na may relasyon umano ang kanyang misis at ang biktima ang nagtulak sa kanya upang barilin ang kumpare subalit sinisilip din ng awtoridad ang anggulo na droga dahil sa imbestigasyon, nabatid na dati nang nakasuhan kapwa ang suspek at ang biktima dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Sinabi naman ni imbestigador Police Master Sergeant Aaron Gural na dumating ang suspek na nakaangkas sa motorsiklo. Pagbaba ng motorsiklo ay agad itong dumiretso sa loob ng bahay saka pinaputukan ang biktima.

Bago pa umano ang insidente ay niyaya ng suspek ang biktima na uminom at kumuha ng ilegal na droga pero tumanggi umano ang biktima na ikinagalit ng suspek dahil tila napahiya ito.

Sa ngayon, patuloy ang manhunt operation ng mga pulis sa suspek na bumaril sa biktima na kasalukuyang nagpapagamot sa tinamong pinsala sa ‘manoy’ nito. (Kiko Cueto/Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.