Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mansion ni Wade binibenta ng P298M

0 124

Binibenta ngayon sa halagang $6.2M (P298M) ang Sherman Oaks mansion ni former NBA star Dwyane Wade sa Los Angeles, California, ayon sa ulat ni Neal Leitereg ng Forbes.com.

May sukat na 8,500-square-foot, in-upgrade ni Wade at asawang actress na si Gabrielle Union ang features ng nasabing Mediterranean villa-style mansion.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ilan sa mga binago ng dating Miami Heat guard sa loob ng mansyon ang home theater, wine cellar, siyam na bathroom, limang bedroom at kusina.

Napabalitang gumastos ng $17.9M ang mag-asawang Wade para sa isang contemporary mansion nila sa Hidden Hills na may sukat na 22,800 square feet. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.