Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mansyon sa kabilang dimensyon

0 167

Mga ka-Misteryo, nasubok niyo na bang magtayo ng mansyon o bahay sa kabilang dimensyon? Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Likas nang astral traveller si Allan ng Pangasinan at minsan naisip niyang gumawa ng sarili niyang mundo sa astral reality, nagtayo siya ng mansyon.

Naikuwento Ito sa Misteryo ni Allan at sa katunayan aniya ay nakita na ito ng kanyang kaibigan na may kakayanan ding maglakbay sa kabilang dimensyon.

Misteryo: “Paano mo itinayo o ginawa ang mansyon sa kabilang dimensyon? Para din ba ito sa pagtatayo ng bahay sa pisikal na dimensyon?”

Allan: “Malaki ang difference brod kasi iba ang pisikal sa hindi pisikal o sa astral. Actually, mas mabilis gumawa ng mansyon sa kabilang dimensyon.”

Misteryo: “Very interesting pala itong usapan natin kung ganun. Paano mo nasabi na mabilis magtayo ng mansyon sa kabilang dimensyon?”

Allan: “Simpleng sagot – walang time at space sa kabilang dimensyon Ibig sabihin kaya mo gawin ang isang bagay sa isang iglap lang…instantly.”

Misteryo: “So Ganun ba ang ginawa mo? Paano? Pwede mo ba sabihin sa amin kung ano ginawa mo?”

Related Posts

Allan: “Ginamit ko lang imagination ko at kung ano ang gusto ko gawin. Yung ginawa kong mansyon sa kanila ay kumpleto may parking, sala, kusina at mga silid pero kakaiba sa pangkaraniwang bahay.”

Misteryo: “Ano yung sinasabi mong pagkakaiba ng mansyon mo?

Allan: “Pagpasok mo sobrang luwag sa loob akala mo nasa iba kang mundo. Bawat lugar sa loob ng mansyon ko ay Iba’t ibang daigdig.

Misteryo: “Aba ok pala pwede ba ako pumunta dyan? Kahit Paano kaya ko din mag-astral travel.”

Allan: “Pwede brod kasi napuntahan na yan ng isa kong kaibigan Medyo nahirapan kasi hindi agad nakapasok hindi nagpaalam sa akin bago niya pinuntahan.”

Misteryo: “Ano ba nakita niya? May proteksyon ba ang mansyon mo?”

Allan: “Oo secured yun parang may alarm kung may gustong pumasok na hindi ko alam. Sa labas pa lang hindi siya makapasok sa gate kasi parang puzzle yung nakikita niyang numero ng mansyon ko.”

Iisa lang ang paliwanag sa ganitong nagawa ni Allan. Walang limitasyon ang kapangyarihan ng ating isipan. Kung kaya natin gawin sa pisikal sa pamamagitan ng isip, lalung mas kayang gawin sa kabilang dimensyon.

Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.