Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manuel, Aces alpas sa Elasto Painters

0 101

STANDINGS
TEAMS W L
TNT 5 0
Barangay Ginebra 4 0
Rain or Shine 3 1
Alaska Milk 3 2
Phoenix 2 2
San Miguel Beer 2 2
Meralco 2 2
Blackwater 2 3
Magnolia 1 3
NLEX 1 3
Terrafirma 0 3
NorthPort 0 4

Mga laro ngayon:

(AUF Sports Arena & Cultural Center)
4:00 pm. – NLEX vs Meralco
6:45 pm. – Magnolia vs Phoenix

Clark Smart Giga City – Kinamada ni Vic Manuel ang walo sa huling 11 puntos ng Alaska at naligtasan ng Aces ang Rain or Shine 89-88 Huwebes ng gabi sa sa Smart 5G-powered AUF Arena Huwebes ng gabi.

Angat sa 3-2 ang Aces, niregalo ang unang talo ng Elasto Painters sa apat na laro sa 45th PBA 2020 Philippine Cup elims restart.

Tumapos si Manuel ng 18 points mula 8 of 7 shooting. May 13 points at 8 assists si Jeron Teng, nagdagdag ng tig-10 points pa sina Abu Tratter at Barkley Ebona.

Inilapit ng layup ni Beau Belga ang Painters sa 89-88, nawala kay JVee Casio ang bola sa inbounds at nagkaroon ng huling tsansa ang RoS 5 seconds sa orasan pero sablay ang drive ni Rey Nambatac bago hinablot ni Manuel ang pampito niyang rebound para selyuhan ang panalo.

Namuno ang 16 points ni Sydney Onwubere sa Rain or Shine.

Iniupo ni coach Bong Ravena si Jayson Castro, umeksena muli si RR Pogoy at inararo ng TNT ang Blackwater 109-96 sa first game.

May naramdaman si Castro na sumakit sa kanyang kanang binti habang nagwa-warm up kaya hindi na isinugal.

Nagsalansan si Pogoy ng 20 points at 7 rebounds, dinagdagan ni Ray-Ray Parks ng 18 points, may double-double na 17 points at 12 rebounds si Troy Rosario at kinontak ng Tropang Giga ang panlimang panalo sa limang laro sa Pampanga bubble.

Nakasiguro na ang TNT ng at least tie sa isa sa walong slots sa semis.

Hindi nakaporma si Blackwater coach Nash Racela sa dating team, nalaglag ang Elite sa 2-3.

Ang iskor:

ALASKA 89 – Manuel 18, Teng 13, Tratter 10, Ebona 10, Herndon 9, Digregorio 7, Brondial 7, Ahanmisi 5, Casio 5, Galliguez 3, Ayaay 2, Marcelino 0.

RAIN OR SHINE 88 – Onwubere 16, Mocon 14, Wong 12, Torres 10, Belga 10, Nambatac 7, Norwood 5, Yap 5, Doliguez 3, Rivero 2, Rosales 2, Ponferada 2, Tolentino 0. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.