Abante Tonite Interactive

Manuel, Bolick sumali sa May 20 Ako fund drive

347

Nakisali sina Vic Manuel ng Alaska at Robert Bolick ng NorthPort sa fund drive ng May 20 Ako.

Nitong nakaraang buwan lang binuo ang social media page, nagsimula sa P20 na iaambag para sa mga nangangailangan habang lumalala ang epekto ng coronavirus disease.

Nagsimula sa P20, lumaki ng lumaki.

Sa kanilang Facebook page, nitong March 30 ay sinimulan ng grupo ang pa-auction ng jerseys ng mga atleta – basketball at volleyball player.

Ido-donate ang malilikom sa homeless, informal workers at frontliners na mas malaki ang risk maapektuhan ng COVID-19.

Si Bolick, pina-auction ang kanyang No. 8 NorthPort jersey. Ang starting bid: P3,000.

May abiso pa si Bolick na siya mismo ang mag-aabot ng jersey niya sa mananalo sa bid.

Si Manuel, dinonate para ipa-auction ang kanyang No. 24 GlobalPort jersey at No. 87 Alaska Aces jersey shorts. Starting bid sa jersey ay P1,500.

Unang naglaro si Manuel sa Batang Pier noong 2012 matapos siyang kunin bilang 9th pick overall sa draft mula PSBA. Nakapaglaro rin siya sa Meralco at sa Air21 bago nalipat ng Aces noong 2014.

Pina-auction ang Petron Blaze No. 16 ni Cherry Ann Rondina, Creamline Cool Smashers No. 22 ni Melissa Gohing, dating Sta. Lucia Kady Realtors No. 9 ni Amanda Villanueva, Cignal No. 10 ni May Luna, DLSU No. 15 ni Tin Tiamzon, San Beda No. 6 ni AC Soberano, Pocari Sweat No. 3 ni Jessey de Leon, UP No. 11 ni Mariane Buitre at Lady Maroons No. 8 ni Kathy Bersola. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad