Abante Tonite Interactive

Manuel hinabol ang Aces sa quarters

334

Bumisig si Vic Manuel ng 23 points, 4 rebounds at 1 assist para pagbakasyunin ang Meralco via 108-103 overtime win at kopoin ang huling silya sa PBA Commissioner’s Cup quarterfinals Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay.

“Nag-usap-usap kami na matira-matibay ang laro na ito kaya kailangan maging matibay kami. Do or die every game na namin pati na pagtuntong sa quarterfinals kasi makakalaban namin ang No.1 team (TNT). Masaya kami kasi naipanalo namin ang laro na ito,” ani best player of the game Manuel. (Lito Oredo)