Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manuel ‘hinihilot’ ni coach Cariaso

0 53

PRAYORIDAD pa rin para kay Alaska Aces coach Jeffrey Cariaso ang serbisyo ni Vic Manuel.

Sinabi ni Cariaso na bago pa man matapos ang kontrata ni Manuel ay kinausap na nito ang kampo ng manlalaro para sa dalawang taong kontrata na ektensiyon sa Aces.

“We already talk with Vic last night. We know his side kasi naging player din kami. He remain No.1 player sa team,” sabi ni Cariaso.

Related Posts

Ikinagulat ni Cariaso ang naging sentimyento ni Manuel na umano’y isang taong kontrata lamang na may parehong termino ang iniaalok sa manlalaro.

Ipinaliwanag ni Cariaso na una nang inihain kay Manuel ang dalawang taong kontrata ni Alaska Aces team governor Richard Bachmann at kanila din inilatag sa kanilang unang pakikipag-usap sa kampo ni Manuel.

Huling inalam ng kampo ng Alaska ang tugon ni Manuel kung saan tanging nakamit nito ay pinag-iisipan pa ng kampo ng manlalro ang offer. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.