Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manuel kampi kay Abueva

0 127

Pinaramdam ni Alaska Aces star Vic Manuel ang kanyang suporta kay Phoenix Super LPG star Calvin Abueva nang sumiklab ang panibago na namang isyu sa kanila ni TNT star Bobby Ray Parks Jr.

Sa Facebook account pinaabot ni ‘Muscle Man’ ang bak-ap sa dating long-time teammate na si Abueva.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“No need to explain n pare! We got you!,” pahayag ni Manuel sa kanyang FB post.

Kamakailan lang naging ‘talk of the town’ na naman ni ‘The Beast’ nang itanggi ni Parks ang paghingi ng paumanhin sa kanya ng 32-year-old forward ng Fuelmasters na balik-laro na matapos ang 16-buwang suspensyon.

Giniit din ni ‘The Beast’ na ayaw na niyang palakihin ang isyu at gusto na niyang mag-move on sa samaan ng loob nila ni Parks. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.