Abante Tonite Interactive

Manuel maagang nagsawa sa PBA

By
223

Maagang nangayaw si Jett Manuel sa pros, tumagal lang siya ng isang season sa PBA.

Una’t huli ni Manuel ang rookie season niya sa Ginebra, tumapik sa 6-foot-2 guard mula UP bilang 12th pick overall noong 2017 Draft.

Ayon sa ilang sources, hindi na raw nag-renew ng kontrata si Manuel matapos mapaso ang one-year deal na binigay sa kanya ng Gin Kings.

Scorer si Manuel, 26, noong kapanahunan niya sa Figh­ting Maroons, pero hinulma para maging combo-guard ng Ginebra sa ilalim ni coach Tim Cone.

Pero hindi siya masyadong nagagamit sa guard-loaded Gin Kings. Depleted ang lineup ng crowd darlings nitong nakaraang Governors Cup pero nakadalawang laro lang si Manuel.

Mukhang hindi na rin daw interesado si Manuel na maghanap ng malilipatang team.

Nagtapos siya ng Enginee­ring sa UP, at nitong nagdaang season ay nauupo rin bilang commentator sa mga NCAA game.