Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manuel, misis sa ilog nagtukaan

0 435

Oras nang pagbawi para sa mga player na umeksit na mula sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble sa Clark, Angeles, Pampanga.

Ganyan ang mga naka-post sa social media na mga manlalaro na nakalabas na, puro lambingan kasama ang kanilang misis o nobya.

Tulad ni Vic Manuel ng Alaska Milk, na sweet na sweet ang larawang ipinaskil sa kanyang Instagram account kung saan kahalikan ang asawa habang naliligo sa ilog.

Anibersayo nina Mr. at Mrs Manuel base caption sa kanyang post, “15 years is not enough! Happy anniversary mami! I love you! More anniversaries to us!”

Kasama rin ng mag-asawa ang kanilang dalawang anak sa pagdiriwang. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.