Abante Tonite Interactive

Manuel nagpa-lunch, dinner sa taga-Cainta

455

Noong isang araw, nag-post ng video si Alaska forward Vic Manuel na sumasabay sa pagsayaw sa kanyang anak na babae.

Nakikipaggitgitan pa nga ang Muscle Man sa anak sa camera, nagkukulitan silang nagbababalyahan para makapuwesto.

“Panis ka sa akin ‘nak,” caption ni Manuel.

Sumunod ay nag-post naman siya ng throwback picks noong panahon niya sa PSBA, payat pa at ang ipinaalala ay “noong panahong may ribs pa” siya.

Hindi lang pakuwela ang 6-foot-4 forward mula Licab, Nueva Ecija, pinakita rin niya ang kahandaang tumulong sa panahon ng crisis tulad ngayong laganap ang coronavirus disease.

Naghanda ng packed meals si Manuel, 32, handa nang i-distribute.

“Lunch and dinner!” ani Manuel. “Distribution for our village east guards and homeless people around Cainta. Lord thank You for keeping us safe!”

Kabilang si Manuel sa dumaraming PBA personalities na nagpaparating ng tulong sa mga apektado ng COVID-19.

Dahil din sa virus ay itinigil ang Philippine Cup noong March 11, pangalawang araw ng mga laro sa Season 45.

March 13 sana ang unang salang ng Aces laban sa Columbian Dyip. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad