Abante Tonite Interactive

Manuel nambarako, PBA POW kinambyo

By
1,327

Malaking role ang ginampanan ni Vic Manuel­ kaya humaharurot ang Alaska sa Honda PBA Commissioner’s Cup.

Off-the-bench pa ang 6-foot-4 forward, pero tuwing tinatawag ni coach Alex Compton ang numero ay laging nakakapag-deliver.

Nambarako ang binansagang Muscleman para tulungan ang Aces na mailusot ang tatlong sunod na laro matapos madiskaril sa Rain or Shine sa opening match.

Abante Hiring – IT dep

Sa huling panalo ng Alaska 110-100 kontra dating unbeaten TNT KaTropa nitong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo, nasa unahan na naman si Manuel sa kinamadang career-high 29 points sa 12 of 19 shooting at nagbaba pa ng 12 rebounds.

Angat sa 3-1 ang Alaska, inakbayan ang biktima at Meralco sa second-fourth kalahating laro sa likod ng Rain or Shine (4-1).

Sa tindi ng kayod na pinakita, tinanghal si Manuel na PBA Press Corps Player of the Week (May 7-13), inungusan sa weekly citation sina Baser Amer at Chris Newsome ng Meralco, Kevin Ferrer ng Ginebra at JR Quinahan ng NLEX.
Anim na araw magpapahinga ang Aces bago dadayo ng Dumaguete City para hamunin ang defending champion San Miguel Beer sa Sabado.