Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manuel niregaluhan ni kumander

0 267

Mas lalong makakapagpalakas ang tinaguriang “The Muscle Man” na si Philippine Basketball Association (PBA) star Victorino “Vic” Manuel matapos regaluhan ng kanyang misis na si Annalyn ng isang makabagong bisikleta.

‘Thankyou mami! @annalyn_0302,” pagpapasalamat at buong pagmamalaking pahayag sa post ng 33-anyos mula sa Nueva Ecija at power forward ng Alaska Milk Aces na si Manuel sa kanyang Instagram kahapon.

Inaasahang gagamitin ng dating PSBA Jaguar ang bike sa dagdag pagpapakundisyon sa sarili para sa muling pagbubukas ng 45th PBA Philippine Cup sa Oktubre. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.