Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manuel, Phoenix binarako Alaska

0 103

Ang pinakawalan ng Alaska, pinakinabangan ng Phoenix Super LPG.

Sinilaban ni Vic Manuel ng 26 points ang dating team at naligtasan ng Fuel Masters ang matinding fightback ng Aces 101-93 sa second game sa Ynares Sports Arena sa Pasig nitong Sabado.

Wala si Matthew Wright (sprained ankle), binalikat ni Manuel ang opensa sa 12 of 23 shooting mula sa field at sa ikatlong salang ay nakuha ng Fuel Masters ang unang panalo sa PBA Philippine Cup.

“Kanina nagkita kami ni coach, sinabi ‘di maglalaro si Matt. Sabi sa akin, ‘Ikaw muna,’ kaya ‘yun. Kumpiyansa ko talaga mataas,” ani Manuel, pasabog ng 15 markers sa second quarter at kumalawit pa ng 12 rebounds.

May 19 points si RJ Jazul na 7 of 10 sa free throws kabilang ang tatlo sa final 34 seconds. Mula sa labas ng arc ay 15 for 33 ang Fuel Masters.

Laglag sa 1-2 ang Alaska, binitbit ng 17 points ni Gab Banal at 16 ni Abu Tratter.

Mula sa 53-42 lead sa halftime, namaga ang bentahe ng Phoenix 84-61 sa 3-pointer ni Aljun Melecio bago natapos ang third quarter.

Naibaba ng Aces sa 99-93 pero naubusan na ng oras.

Sa first game, napanatili ng Rain or Shine ang unbeaten start sa tatlo nang kubabawan ang Meralco 85-72 sa likod ng 18 points ni Javee Mocon at double-double na 17 points, 10 rebounds ni Beau Belga.

Napigil sa 2-1 ang Bolts nang maigapos sa 27 of 21 shooting at conference-high 21 turnovers – 12 mula sa starters. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.