Abante Tonite Interactive

Manuel pinilay ang Aces sa PH Cup

By
0 172

Buhat sa PBA Governors’ Cup finals stint, hindi magiging maganda ang simula ng Alaska Milk sa magbubukas sa linggo ng 44th Philippine Basketball Association 2019 Philippine Cup dahil sa pagkatadtad ng injuries, kabilang ang 2 key player.

Siniwalat ito ni Aces coach Alex Compton sa unang PBA Media Day sa Solaire Resort and Casino Tent sa Parañaque City kahapon.

Mawawala si Vic Manuel sa kabuuan ng season-opening conference dahil sa may back injury habang si guard Simon Enciso liliban ng anim na linggo sa knee operation.

“Ang dami naming injuries. Simon had surgery, Vic is out probably for most of the conference, and Chris (Banchero) is fighting through three injuries,” lulugo-lugong wika ni Compton na dumeretso sa okasyon mula sa Tate.

Wala pa rin aniya sa porma ang isa niyang malaki na si Sonny Thoss at may pilay rin ang isa pang guard na si JV Casio.

Napunta kay Manuel ang pagiging prangkisang manlalaro ng gatas sa paglipat ni Calvin Abueva sa Phoenix Petroleum samantalang kasasalpak lang kay Encisco sa backcourt rotation sa nakalipas na taon.