Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manuel puntirya ng Fuel Masters

0 63

Binuhay ng Phoenix Super LPG ang paghahabol kay Alaska forward Vic Manuel.

Kailangan ng Fuel Masters ng pamalit sa puwestong binakante ni Calvin Abueva na itrinade sa Magnolia Hotshots.

Nakuhang karelyebo ng Phoenix si Chris Banchero na sa guard naglalaro – p’wedeng 1 o 2.

“Nung nawala si Calvin, binuhay ng Phoenix uli (trade talks) at mukhang pursigido talaga sila,” pahayag ng isang source nitong Linggo.

Napunta rin sa Fuel Masters ang No. 6 at No. 18 picks ng Hotshots sa Online 36th PBA Draft 2021 sa March 14, dito sana maghahagilap si coach Topex Robinson ng isang malaking p’wedeng frontliner.

Pero mukhang mas gusto ng Phoenix ang isang tulad ni Manuel na subok na ang kalibre.

“Kasi kailangan nila ng pamalit kay Calvin and pagkatapos na-stall ulit ‘yung pirmahan ni Manuel at Alaska. Binuhay ulit nila usapan,” panapos na wika ng insider.

Nahinto ang contract talks sa pagitan ng kampo ni Manuel at Aces management na dapat sana ay magbibigay sa Muscle Man ng bagong two-year maximum deal, P420K monthly paycheck.

Planong magbukas ang 46th PBA Philippine Cup sa April 9 sa inaaral pang Sistema – closed circuit o bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.