Abante Tonite Interactive

Manuel suportado si Abueva sa kabila ng kontrobersya

547

walang iwanan!

Kahit anumang bato ang ipukol kay Calvin Abueva, mananatili sa kanyang tabi ang dating kakampi sa Alaska na si Vic Manuel.

Sa Instagram ay nakitang muling magkasama ang dalawa sa kabila ng kinakaharap na isyu ni Abueva tungkol sa umano’y panananakit nito sa kanyang asawang si Sam, at paglalaro sa ligang labas na mahigpit na pinagbabawal sa PBA.

Kasunod pa ito ng kanyang indefinite suspension sa PBA dahil sa pananakit kay TNT import Terrence Jones at umano’y pambabastos sa girlfriend ni Blackwater rookie Ray Parks, Jr na si Maika Rivera.
“Good to see you pare! @abuevacalvinthebeast,” saad sa post ni Manuel kasama si ‘The Beast’.

Sa IG naman ni Abueva, kitang magkasama sila sa party at dito nagpasa­lamat ang suspendidong player sa dating kampi.

“My f*cking brother salamat @vicman87_” saad ni Abueva. “All love pare! Basta ikaw,” tugon naman ni Manuel. (Ray Mark Patrairca)