Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manugang todas sa biyenan

0 302

Patay ang isang 42-anyos na lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang biyenan, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Domingo Cinco, alyas ‘Andy’, residente ng Tondo, Maynila, at ang suspek na si Forodencio Tupada, 63, kasama sa bahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District, alas-3:15 ng madaling-araw ay nakita pang nag-iinuman ang magbiyenan sa labas ng kanilang bahay nang mauwi sa pagtatalo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na naawat naman ng mga kaanak ang pag-aaway ng dalawa hanggang sa pumasok na sila ng bahaya. Gayunman, hindi nagtagal ay lumabas muli ng bahay ang biktima at natulog sa na- kaparadang tricycle sa labas, lingid sa biktima ay sinundan siya ng suspek na armado ng patalim at pinagsasaksak habang natutulog.

Si Cinco ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital habang pinaghahanap naman ng awtoridad si Tupada. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.