Abante Tonite Interactive

Manunuhol ng traffic enforcer kakasuhan na!

By
9

Kakasuhan sa Maynila ang lahat ng motorista na mahuhuling nanunuhol ng traffic enforcer.

Ito ay matapos mapanood ni Manila Mayor Joseph Estrada ang ilang video mula sa mga body camera ng mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTBP) kung saan nakitang lantarang tinatangkang suhu­lan ng pera ng ilang motorista ang ilang traffic enforcers na humuhuli sa kanila.

“Sa mga napanood ko, kitang-kitang mismong mga motorista pa ang nagtatangkang ‘ayusin’ na lang ang kanilang traffic violations. Sanay na sanay, e.

Abante Hiring – IT dep

But next time, once we catch them doing that, we will arrest them and charge them in court,” ayon kay ni Estrada.

Kakasuhan umano ng Corruption of Public Officials na napapailalim sa Article 212 ng Revised Penal Code; at may kulong ito na mula anim na buwan hanggang anim na taon.