Abante Tonite Interactive

Manyak na secretary tablado sa staff

By
728

Napilitan daw magbitiw sa trabaho ang isang kawani ng kontrobersyal na ahensya ng gobyerno dahil sa kamanyakan ng kanyang big boss.

Sa kuwento sa atin ng ating amuyong, inakala raw ni Mr. Secretary na kayang-kaya nitong paandaran ang kanyang masipag na staff upang mapanatili nito ang kanyang trabaho.

Ito ay dahil kampante umano ang manyak na opisyal na hindi hahayaan ng kanyang staff na mawalan ng trabaho lalo pa’t bumitiw ito sa kanyang karera para panindigan ang pagiging government employee.

Gayunman, hindi umubra ang bangis ng kalihim dahil sinupalpal siya ng pagtanggi ng kanyang empleyado sa pagnanasa nitong may mangyari sa kanya.

Matapos ito ay nag-resign na lamang si Ms. Staff at iniwasan nang gumawa pa ng eksena lalo pa’t marami na ang naging mainit sa kanilang ahensiya dahil sa paulit-ulit na aberyang idinudulot nito sa taumbayan bagama’t sa mga panahong ito ay na­kababawi.

Clue: Ang ating bida ay may letrang G sa kanyang apelyido as in gigil na gigil sa mga chikas!