Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manyak na step-lolo buking sa kissmark ng apo

0 434

Arestado ang isang construction worker matapos nitong tangkang gahasain at molestiyahen ang anak ng kanyang step daughter sa Nasugbu, Batangas Lunes ng hapon.

Ayon kay PMAJ Jun Bautista, hepe ng Nasugbu police, inaresto ng mga tanod at iti-nurn-over sa pulisya ang suspek na si Alyas Mario, 55-anyos matapos ireklamo ng nanay ng 9-anyos na biktima na si Alyas Nene ng pangmomolestiya sa bata.

Ang suspek ay pangalawang asawa ng lola ng biktima kung saan nakatira ang bata.

Sa report ng Nasugbu police, nangyari ang insidente sa kanilang bahay matapos maunang umuwi sa tahanan ang mag-lolo noong Lunes ng hapon galing sa isang handaan kung saan naiwan pa ang lola.

Pagdating sa bahay, sinabi ng suspek na mag-sex sila ng biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umayaw at natakot ang bata kaya pwersahan itong hinubaran ng suspek, pinaghahalikan at ikiniskis ang ari sa maselang bahagi ng katawan ng bata.

Nabisto ang pangyayari matapos makita ng ina ng biktima na may kiss mark ang anak at nang tanungin ay ipinagtapat ang pangyayari.

Tinakot umano ng suspek ang biktima na papatayin ang kapatid nito kaya hindi agad ito nakapagsumbong.

Nakakulong na ang suspek sa Nasugbu police station. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.