Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manyakis dinakma sa Navotas

0 75

Dinampot ng mga pulis ang isang mangingisda matapos ang isinagawang manhunt operation laban sa kanya dahil sa kasong acts of lasciviousness sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas Police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Ruben Aboga Jr., 21-anyos.

Inaresto ang suspek bandang alas-3:15 kamakalawa ng hapon sa kanyang bahay sa Navotas City ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Intelligence Section ng Northern National Capital Region Maritime Police.

Nabatid na unang nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na namataan ang akusado sa kanilang lugar dahilan upang ikasa ang pag-aresto sa kanya.

Dinampot si Aboga sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Aimee S. Arago ng Navotas Metropolitan Trial Court Branch 119 para sa kasong acts of lasciviousness. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.