Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manyakis kalaboso kay Kim Min Seok

0 489

Tinatawag ngayong “hero” ng ilang netizen si Kim Min Seok.

Noong July 21, ibinalita ng Star News na nahuli nito ang isang lalaking may hidden camera .Palihim na kinukunan ng legs ang isang babaeng customer ng coffee shop sa Apgujeong.

Nilapitan daw ng actor ang suspect para hindi ito makatakas habang tumatawag sa police.

Kinumpirma ito ng isang source sa Newsen, “Kim Min Seok was inside a café during his final leave from the military and found someone illegally filming a woman’s body. He caught them and handed them over to the police.”

Natagpuan nga ng police ang iba’t-ibang illegal photos pa sa cellphone ng suspect.

Ilan sa comments na nabasa namin, “Not all heroes wear capes!” “Kim Min Seok, respect!”

Nagsalita na rin ang actor tungkol sa pangyayari.

Aniya hindi lang siya ang naging daan para mahuli ang suspect.

“I was together with my labelmate Son Min Ho that day, and I feel sorry that it seems like I’m the only one being noticed for this. We just did what we had to do. I think anyone who saw that would have done the same thing. I’m a bit embarrassed that the story’s become known like this.”

Sa isang banda, kalalabas lang ni Kim Min Seok noong July 20 mula sa kanyang mandatory military service. At sa mismong araw ng discharge niya, nagpa-picture ito sa harap ng subway station.

Ayon dito, “I have safely finished my military service and have returned. I’m so thankful to my fans for waiting for me, and I’ve received your gifts. Thank you, once again. I will return to make an even better impression. (I only lowered my mask for the photo).” At saka niya isununod ang mga hashtags na “Discharge” and “It’s over.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.