Abante Tonite Interactive

Manyakis na Grab driver ‘di sapat ang sorry!

By
1,910

Saganang atin hindi sapat ang pagso-sorry ng isang Grab driver sa isang pasahero nito na pinagsamantalahan, pinagkukunan ng litrato ang maseselang bahagi ng katawan.

Isang call center agent diumano ang biktima na ayon sa mga balitang lumabas ay medyo nakainom kung kaya’t nakatulog habang sila ay bumabiyahe sa destinasyong ibinigay ng dilag.

Nang magising, agad na pumalag ang biktima dahil sa haba ng tinakbo ng oras, ay wala pa rin sila sa kanyang ibinigay na destinasyon na kung hindi nagpek, pek, este, nag-pictorial si Grab driver ay tyak nakara­ting na sila sa kanyang ibinigay na address.

Abante Hiring – IT dep

Talagang shit happens­! Ang kaungasan ng mga driver ay ‘di masawata. Akala pa naman natin, dahil ayon sa iba ay ‘mabango’ si driver pati loob ng sasakyan, ay mababango at nagbago na rin kanilang mga pag-uugali. Ay hindi. Sorry folks.

Ungas pa rin po sila. Kung kaya, ang ating rekomendasyon sa naturang driver ay tuluyan. Tuluyang suspendihin ang lisensya ng pagmamaneho pati na ang kanyang kumpareng pinadal­han ng mga censored na picture ng biktima.

May nalalaman pang, “Pare dyan muna sya sa iyo natutulog eh,” na caption matapos na maipadala ang mga censored picture ng biktima! Kaungas-ungasang unga­s ng uga­ling mayroon ka boy! Kung nasaan ka man na u­ngas kang Grab driver, mag-email ka lang sa 2015motorista@gmail.com at haharapin kita sa isang mano-a-mano.

Kahit saan! Tarantado ka! Para kang hindi nanggaling sa isang babae, ang iyong ina! Hindi kauna-unahan ang ganitong eksena sa ating mga kaawa-awang mga kababayan na, hirap na nga sa maghapon o magdamag na pagta­trabaho ay tatarantaduhin pa sa daan.