Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manyakis na kapitan nilamas dibdib ni kagawad

0 66

Kapag napatunayan ay posibleng sampahan ng kaso ang isang kapitan sa Sta. Ana, Cagayan matapos ireklamo ng kanyang kagawad na babae sa panlalamas ng dibdib kamakailan sa loob ng barangay hall.

Base sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Kristina, 46, kagawad ng Barangay Parada Batu ng nabatid na bayan, dakong alas-9:48 ng gabi nitong Nobyembre 12 naganap ang kabastusan sa kanya ng kanilang kapitan sa loob mismo ng barangay hall.

Abala umano si Kristina sa pag-aayos ng summon form sa opisina nang lumapit umano sa kanya ang kanilang kapitan ng barangay at nilamas umano ang kanyang dibdib na kanyang ikinabigla.

Agad kumalas ang ninerbyos na babae at lumayo sa manyakis na opisyal.

Hindi naman pinalagpas ng biktima ang ginawa sa kanya ng suspek at agad nagreklamo sa pulisya.

Sadyang hindi naman inilabas ang pangalan ng kapitan ng barangay bilang proteksiyon na rin upang hindi makilala ang biktima.

Nilinaw din niya sa awtoridad na wala silang anumang relasyon ng kapitan at tinutupad lang niya ang kanyang tungkulin bilang halal na kagawad ng barangay.

Sakaling mapatunayan ang reklamo ay posibleng masibak sa kanyang tungkulin ang suspek dagdag pa ang kasong kriminal na isasampa sa pulisya at administratibo naman sa Department of Interior and Local Government. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.