Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manyakis na pintor bistado sa patak ng dugo

0 127

Dahil sa mga patak ng dugo na naiwan, natuton ang kinaroroonan ng isang 29-anyos na painter na pumasok sa bahay ng isang dalaga at pinanggigilan ang dibdib nito habang nakaidlip sa loob ng kanilang bahay sa Das­mariñas City, Cavite, Huwebes.

Kasong Trespassing at Acts of Lasciviousness ang isinampang kaso la­ban sa suspek na si Joel Bernardino Jr. ng Brgy. Sta. Cruz 2, Dasmari­ñas dahil sa reklamo ni Sherryl (hindi tunay na pangalan), 28, sa pare­hong barangay.

Sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmariñas Police, nai­wan ng biktima na hindi naka-lock ang pintuan ng kanilang bahay da­kong alas-2:25 kahapon ng madaling-araw at nakatulog siya.

Hindi naman niya namalayang nakapasok na ang suspek at ha­bang tulog ang biktima ay pinagsamantalahan ang kanyang dibdib. Pero nagising si Sherryl sa diin ng kamay ni Ber­nardino sa dibdib kaya nagsisigaw siya.

Sa kalituhan ng sus­pek, kinuha niya ang patalim sa kanyang likod at sinaksak ang biktima subalit nanlaban ang huli.

Dahil sa mga patak ng dugo ng suspek sa tinamong sugat, tinun­ton siya ng mga awto­ridad na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Kinilala naman ng biktima ang suspek na ito ang pumasok sa kanilang bahay. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.