Abante Tonite Interactive

Manyakis sa bus inaresto

By
0 162

Timbog ang isang lalaking pasahero matapos umanong hipuin ang malulusog na boobs ng isang dalagang kasakay nito sa isang pamapasaherong bus sa Makati City kahapon.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang suspek na si Ernani Ligbos, 38-anyos, construction worker, nakatira sa No. 78 Sampaguita St., Barangay 83, Imus City, Cavite.

Itinago naman sa pangalang ‘Ruby’ ang biktima, 23-anyos, taga-Quezon City.

Abante Hiring – IT dep

Sa report kay Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, alas-11:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang ‘di muna pinangalanang pampasaherong bus kung saan habang bu­mabagtas sa kanto ng Buendia Avenue at Batangas St., Barangay San Isidro ay pasikreto umanong hinihipuan ng suspek ang biktima sa dibdib.

Agad namang pu­malag ang dalaga at tinulungan ito ng isa sa mga pasahero na si Welbert Enad, 27-anyos.

Tiyempong nagpapatrolya ang dalawang pulis na sina PO1s Jayvee Erivan Garcia at Jerome Lazaro, kapwa nakatalaga sa Makati City Police at nang humingi ng police assistance si Enad ay agad nirespondehan at binitbit sa himpilan ng pulisya ang suspek, na nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness.