Abante Tonite Interactive

Mapaglarong mga unggoy

289

Dear Dream catcher,
Nanaginip po ako na maraming unggoy na nagla­laro tapos may isang unggoy na lumapit sa akin at kinagat po ang kanang kamay ko.

Nag-iwan po ng apat na malalaking butas na maitim sa kamay ko ang kagat ng unggoy tapos may lumabas na mga uod na kinuha ko raw isa-isa. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Kid

Dear kid,
Ang unggoy ay matalino at mapaglaro na tulad ng bata kaya puwedeng ikonek ito sa immaturity. Kadalasan itong ikinukonek sa mga pekeng kaibigan gayundin sa pagtatraydor o pagtataksil.

Ang panaginip tungkol sa unggoy ay maaari ring representasyon ng iyong sarili kung ikaw ay nagi­ging immature at mapaglaro. Maaaring mong ikonek ang iyong sarili sa isang unggoy na walang ipinapakitang kaseryosohan at nagi­ging happy-go-lucky lamang.

Kung ganito ang makita mong interpretasyon, maaaring ipinapaalala ng iyong subconscious na kailangan mo nang imulat ang iyong mata. Dahil walang mararating ang patuloy na pagiging isip-bata. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya kang pakisamahan ng mga tao sa iyong paligid.

Maaring ang iyong pana­ginip ay indikasyon din na napapaligiran ka ngayon ng mga kaibigan na maituturing na mababaw lamang at puro pagsasaya, adventure ang hanap sa buhay. Maaaring isa sa kanila o puwedeng lahat sila ay hindi naman maituturing na kaibigan.

Related Posts

Habang ang kagat sa iyong palad, bukod sa simbolo ng isang pagtatraydor, ay puwede ring isang panggigising ng iyong subconscious.

Kung ikaw ay namumuhay sa pagsasaya lamang at walang mga plano sa buhay, pinapaalala­hanan ka na ng iyong subconscious na gumising. Ang mga uod na lumalabas sa iyong palad o sa sugat na nalikha ng kagat ay maari namang maikonek sa mga nangyayari o mangyayari sa iyong buhay kung panay­ pagsasaya lamang ang gagawin mo.

Ang mga uod ay representasyon ng kabulukan o mga negatibong mangyayari o nangyayari sa iyong buhay.

Pag-aralan ang iyong kasalukuyang sitwasyon, magpakatotoo sa sarili at makikita mo kung ano ang pinakamalapit na interpretasyon ng iyong panaginip.

Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng gene­ral information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip.

Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.