Abante Tonite Interactive

Mapormang angkan hiraman lang naman ng get-up

634

Magandang araw at advance Merry Christmas sa mga readers ng ‘Kapitbahay mo, I-blind Item mo.’

Ako pala si Sonya ng Mariveles,Bataan. Dalaga pa rin kahit 37 taong gulang na ako. Anway hindi ko naman ito ramdam dahil masaya ang buhay ko.

Wait hindi pala buhay ko ang topic natin, kundi ang mga kapitbahay kong sagad sa porma.

Hindi ako naiinggit sa kanila ha? Nakakataas lang ng kilay ang kayaba­ngan nila. Akala mo naman kasi ang yayaman kong makaporma pero kuwidaw ka hiraman lang naman silang pamilya ng damit.

Pansin ko ang kanilang galawan dahil madalas ko silang makita paglabas at pag-uwi ng bahay.

Nagugulat na nga lang ako dahil ang akala ko si Mommy Gracia nila ang dumadating pero nang malapitan na ay si panganay pala.

Paano naman kasi kung anong pormahan ni panganay ay siya ring porma ni Mommy. Hindi man lang lagyan ng ibang accent para hindi naman magmukha silang kambal.

Ang matindi pang kuwento sa pamilyang ito, hindi lang sina Mommy at mga babaeng anak ang hiraman ng damit kundi ma­ging si bunsong anak nilang lalaki ay naki­kisawsaw din.

Ayoko namang mag-judge pero ang sa akin lang ‘wag nang magmataas kung ang pang­porma mo ay kay mommy o kuya ha kasi nakakagigil lang.

Sana ay naka-relate kayo sa tsismis ko. Salamat muli.

Sonya ng Bataan