Abante Tonite Interactive

Mapurol na sa English

2,015

Humihina na raw ang mga Pinoy sa pagsasalita ng Wikang Ingles na dati-rati ay ipinagmamalaki natin sa ibang bansa.

Sa dalawang taong pag-aaral ng Hopkins International Partners, sinabing ang mga Filipino university graduates ay nakakuha ng ave­rage na 630 sa English proficiency batay sa Test of English for International Communication (TOEIC), mas mababa sa competency requirement para sa mga taxi driver sa Dubai, United Arab Emirates.

Average grade na B1 naman ang nakuhang grado ng mga Filipino graduate sa Common European Framework of Reference of Language, mas mababa sa proficiency target para sa high school graduates ng Thailand at Vietnam.

Sa ulat ding ito, sinabing ang median score ng mga Filipino university graduates ay katulad lang ng proficiency ng Grade 5 at Grade 6 sa mga native English speaking countries gaya ng US at Uni­ted Kingdom.
Dahil dito, nagsulong ng resolution si Senador Grace Poe upang alamin ang ugat ng paghina natin sa wikang Ingles.

Ayon sa senador, dapat suriin ang curriculum sa elementarya at high school dahil baka isa rin ito sa dahilan ng pagbagsak ng ating kaalaman.

Mukhang dapat nang mabigyan na itong pansin ng ating gobyerno dahil kung mapapansin natin ay maging sa mga paaralan ay nawawala na ang dating mabusi­sing English composition (formal and informal theme writing).

Subalit malaking problema rin naman na hindi siguro kayang pigilan ng ating mga mambabatas at maging ng gobyerno sa kabuuan ang epekto ng teknolohiya.

Hindi ba’t dahil sa Short Messaging System (SMS) ay nagiging shortcut na ang ating mga mensahe na pati ang spelling minsan ay nagkakalituhan na.

Sa ilang paaralan, nawawala na rin yata ang pagpapatupad ng English only sa classrooms.

Pero bilang isang proud Pinoy, mukhang dapat pa rin naman na­ting ipaglaban na mas kalidad pa rin ang mga Pinoy compared to other nationality. Sa atin nga lang sila kumukuha ng English teachers, hindi ba?

Sa kabilang dako, sadyang dapat na aga­pan ang pagbaba ng kalidad ng ating mga estudyante bago pa mahuli ang lahat.