Abante Tonite Interactive

Mar Roxas ‘Boy Ihi’ sa debate – Digong

420

Ibinuking ni Pangulong Rodrigo Duterte na ninerbiyos si dating presidential candidate Mar Roxas nang magdebate sila sa Cebu.

Ayon sa Pangulo, sampung beses na pabalik-balik sa comfort room si Roxas at pinasundan pa niya ito sa kanyang bodyguard.

Akala aniya ng mga tao ay kalmado lang ang kanyang dating nakatunggali at pa-English-English pa pero ang totoo ayon sa Pangulo ay todo ang kaba ng dating karibal sa 2016 presidential elections.

“Mar Roxas…noong nagdebate kami sa Cebu akala mo kalma lang siya na tao, pa-English-English pa ang buang pero sampung beses pumunta sa.. pinasundan ko sa pulis…ang ihi n’ya…ninenerbiyos siya, totoo,” anang Pangulo.

Biro pa ng Pangulong Duterte, papatak-patak lang ang ihi ni Roxas at normal na aniya ito sa mga matatanda.

Nakasabay rin aniya nitong nag-CR minsan si Roxas at binati siya sabay abot sa kanyang kamay pero hindi niya inabot dahil katatapos lang nitong umihi.

Sinabi pa ng Presidente na wala siyang bilib kay Roxas dahil wala aniyang loyalty at walang prinsipyo at palipat-lipat lang sa mga nagdaang administrasyon.

“Itong si Roxas, it’s not because you are a namesake of Roxas ay mahusay ka. Itong taong ito walang loyalty ito, panahon ni Arroyo nandiyan na ‘yan, panahon ni Aquino nandoon siya. Wala ito, pretends to be a man. Tao na walang prinsipyo wala talaga, you are nothing to me,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.