Abante Tonite Interactive

Mar Roxas natuwa sa 10K trabaho ng BPO sa Bataan

363

Labis na ikinatuwa ni dating Senador Mar Roxas ang balita na isang Koream firm ang magtatayo ng BPO company sa Bataan kung saan 10,000 trabaho ang maaaring iaalok sa tagaroon.

“That’s Fantastic!,” kagyat na reaksyon ni Roxas.

Hinikayat naman ni Roxas, dating kalihim din ng Department of Trade and Industry, ang provincial government ng Bataan na sanayin ang mga college graduate sa wikang Ingles upang magamit ng mga BPO ang kanilang kakayahan.

“Ang importante dito, yung pag-produce ng mga graduates na English competent. Siguro makakatulong diyan yung local government unit na parang remedial or extra classes sa Ingles, para itong mga trabaho na dadalhin dito ng mga call centers at BPO, ay mapapasukan nila dahil Ingles ang requirement,” wika ni Roxas na itinuturing na ama ng call center industry.

Kasabay nito ay na-impress din si Roxas sa pagbisita sa Balanga Public Market na ayon sa kanya ay isa sa pinakamalinis at “most organized and public-friendly.”

Nais niyang gawin itong benchmark para sa lahat ng public market sa Pilipinas.