Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mar Roxas nilait sa DepEd module

0 992

Humingi ng paumanhin ang Department of Education (DepEd) sa Las Piñas kaugnay sa “inappropriate content” ng isa sa mga Filipino learning module nito, na nag-viral matapos banggitin doon si dating senador Manuel ‘Mar’ Roxas II.

Isang netizen ang nag-post ng larawan ng Grade 6 Filipino module kung saan mababasa ang mga pangungusap na “Pakitang-tao ang ginawa ni Mar Roxas” at “Mistulang basang-sisiw si Mar Roxas sa bidyo”.

Sa inilabas na pahayag, kinumpirma ng DepEd-Las Piñas ang naturang laman ng module.

Anila, ang na-print na module ay hindi pa umano naaprubahan.

“The particular content was identified and was advised to be corrected. Unfortunately, the one that was printed was not the approved and final version of the SLM and with this, we take full responsibility and accountability toward these lapses,” pag-ako ng DepEd-Las Piñas sa nasabing pagkakamali.

Humingi rin ang kagawan ng paumanhin sa mga nainsulto o nasaktan aniya dahil sa kontrobersiyal na module.

“We would like to express our sincerest apology to the concerned individuals which may have been offended or harmed in any way by this incident,” dagdag ng DepEd-Las Piñas.

Wala pang pahayag ukol sa insidente ang kampo ni Roxas. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.