Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maradona naligtasan ang operasyon sa utak

0 159

Walong araw matapos ang brain surgery ni football legend Diego Armando Maradona ng Argentina, todo ngiti na siya sa isang larawang bumulaga sa social media nitong Huwebes.

Nagkaroon ang 60-anyos, may taas na 5-5 na Argentine football manager, retired professional footballer at soccer coach, ng hematoma.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa larawang ipinaskil ng kanyang doctor, naka-bandage pa ang kanang parte ng ulo ng bantog na manlalaro.

Hinirit naman ng abogado niyang si Matias Morla, na milagro ang pagkakaligtas sa kanyang kliyente sa operasyon sa utak.

Isa sa mga greatest football players of all time, kabilang si Maradona sa joint winners ng International Federation of Association Football ( FIFA) Player of the 20th Century award. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.