Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maraguinot, Perlas binagyo Baguio

0 50

Umiskor ng 10 points si Jhoana Louisse ‘Jho’ Maraguinot upang giyahan ang Tuguegarao Perlas Spikers sa pagpapaguho sa Baguio Lady Highlanders, 25-10, 25-5, 25-14, sa 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League elims Lunes sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.

Dinomina ng Perlas ang hampasan buong game para umakyat sa talaan, 2-1 win-loss card kasabay sa pagtulakan sa biktima sa 0-4.

Binuno ni Maraguinot ang produksyon niya sa isang oras at dalawang minutong paluan sa likod ng anim na service ace. Bakas si Czarina Grace ‘Cza’ Carandang ng siyam na puntos at si Roma Joy Doromal ng walo.

Pagkadaklot sa opening set, tinuloy ng Tuguegarao ang pananalanta sa second stanza, iniwanan ang Lady Highlanders, 7-0. Pinalobo pa kalaunan sa iskor na 21-4 at tuluyan nang tinapos ang bahagi.

SM food to go Banner Ad

Tinuloy lang ng Perlas Spikers ang pananalasa papasok sa third sa dinistansyang, 7-0 at pinamaga pa ang kalamangan via 23-10 patungo sa pagpapahaba sa bangungot ng Baguio.

Hindi sapat para sa Lady Highlanders ang tatlong puntos ni Mary Rose Carino.

Sunod na makakahambalusan ng Perlas Spikers ang tigasin, may 3-0 F2 Logistics ngayong Martes. Ibinagsak ng Cargo Movers ang PetroGazz 25-16, 25-23, 25-14 sa isa pang sagupaan. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.