Abante Tonite Interactive

Marahas na pamamaslang sa limang miyembro ng isang pamilya

By
290

Ang tanging natatandaan lamang aniya niya ay pauwi na sila nang mapahinto sa tapat ng bahay ng mga biktima matapos na makarinig ng boses sa loob. Sinabi ni Ibañez kay Chief Supt. Aquino na tinungo niya ang likuran ng bahay ng pamilya Carlos at nakita niyang bukas ang pintuan sa likuran.

Pumasok aniya siya sa loob subalit nang makita niya si Aling Auring, sinunggaban niya ang isang patalim at pinagsasaksak ang biktima. Sinabi ni Gen. Aquino na inamin sa kanya ni Ibañez na bagama’t duguan ng nakahandusay, hinalay pa rin niya ang matanda.

Nang marinig naman ni Estrella ang ingay sa ibaba, dali-daling siyang bumaba at nagulat nang masaksihan ang ginagawang panghahalay sa kanyang ina.

Ayon kay Gen. Aquino, hinabol ni Ibañez si Estrella at pinagsasaksak bago hinubaran ng saplot at ginahasa.

Maging ang tatlong bata na nasa loob ng silid sa ikalawang palapag ng tirahan ay hindi rin pinaligtas ni Ibañez, ayon kay Gen. Aquino, at isa-isang pinagsasaksak hanggang sa mamatay.

Sa panayam naman ng mga mamamahayag kay Ibañez, napag-tripan lamang umano niya ang ginawang panghahalay sa dalawang biktima dahil sa pagkalango sa alak at droga.

Sinabi pa ni Ibañez na hindi niya matandaan na may mga batang napatay dahil ang naaalala lamang niya ay dalawang babae ang kanilang pinatay at hinalay.

Wala aniya siyang intensiyon na patayin ang mga bata dahil kilala niya naman ang mga ito at minsan ay nakikipanood pa ng telebisyon sa bahay ng kanyang kapatid na babae.

Hindi naman naniniwala si Dexter na si Ibañez lang ang pumatay sa kanyang mag-iina at biyenan at posible aniyang pino-protektahan lang nito ang kanyang mga kasamahan.

Kalaunan ay inamin ni Ibañez na kasama niya sa pagsasagawa ng krimen ang dalawa pa niyang ka-inuman at kasamang gumamit na shabu na kinilala lamang niya sa mga alyas na ‘Tony’ at ‘Inggo’ na kapuwa kabilang sa mga nauna nang naimbitahan ng San Jose Del Monte police bilang mga ‘persons of interest’

Sinabi naman ni Dexter na hindi niya kila­lang personal si Ibañez bagama’t nakikita niya ito at batid niyang kapatid ng kanyang kaibi­gang kapitbahay na suki ng kanyang asawa sa pagbebenta ng tubig.

Habang nakaburol ang asawa, anak at biye­nan sa basketball court ng San Jose Del Monte, pinipilit ni Dexter na maging matatag bagama’t hindi maalis sa kanyang isipan ang malagim na nangyari sa kanyang pamilya habang wala siya sa tabi ng mga ito dahil sa panggabing trabaho.

Sabi niya, parang gusto niyang sisihin ang kanyang sarili sa nangyari sa kanyang pamil­ya dahil hindi man lamang niya nagawang maipagtanggol ang mga ito sa kamay ng mga walang pusong salarin.