Abante Tonite Interactive

Marahas na pamamaslang sa limang miyembro ng isang pamilya

By
413

Aminado naman si Ibañez na hindi buma­kat sa kanyang kamay at katawan ang mga pahirap na umano’y ginawa sa kanya ng kapulisan para lamang umamin sa krimen.

Sinabi ni Supt. Macariola na napaka-imposible na gawin pa nila ang sinasabing torture lalo na’t sa mismong mga mamamahayag at kanyang ina at kapatid na babae pa inamin ni Ibañez ang ginawang krimen.

Inaasahan na rin aniya nila ang posibilidad­ na magpabago-bago ng pahayag si Ibañez kaya’t hindi lamang sa salaysay niya sila umasa kundi sa iba pang matitibay na ebidensiya at testigo na tutugma sa pagkakasangkot niya sa krimen.

Umaga ng araw nang Biyernes, Hulyo 7, 2017 nang pasukin ng hindi kilalang mga armadong kalalakihan ang bahay ng lolo ni Anthony Garcia, alyas ‘Tony’ 29 sa San Miguel, Bulacan kung saan pansamantala muna siyang nanulu­yan matapos masangkot ang kanyang pangalan at ituro ni Ibañez na kasama niya sa nangyaring masaker.

Puwersahang kinaladkad ng mga armadong lalaki si Garcia at isinakay sa isang van na walang plate number.

Kinabukasan, araw nang Sabado, dakong alas-sais nang umaga nang matagpuan ang bangkay ni Garcia sa gilid ng lansangan sa Brgy. Pacalag, San Miguel, Bulacan.

Nakasuot ng dilaw na t-shirt at pulang short pants si Garcia na may mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Pinuluputan din ng duct tape ang kanyang ulo at itinali sa likod ang dalawa niyang mga kamay.

Tulad ng pagkakatagpo sa bangkay ni Pacinos, may inilagay ding isang placard sa ibabaw ng bangkay ni Garcia na may nakasaad na katagang ‘Addict at Rapist ako. Huwag Tularan’ habang sa ibabang bahagi ay may inisyal na BDS.

Bagama’t walang tinukoy kung ano ang ibig ipakahulugan ng nasabing inisyal, ilang mga nakadiskubre sa bangkay ang nagsabing posibleng ‘Bulacan Death Squad’ ang ibig ipakahulugan ng inisyal na ibinatay sa napabantog na Davao Death Squad.

Hindi naman kaagad pinatulan ito ng San Miguel Municipal Police Station at sa halip ay kaagad din silang nagsagawa ng pagsisiyasat sa nangyaring pagdukot at pagpatay kay Garcia.

Dahil na rin sa pagkakatagpo sa bangkay ng tatlong pinaghihinalaang sangkot sa nangyaring­ masaker, nagpahayag na rin ng pangamba ang mga kaanak ng isa pang persons of interest na si Alvin Mabesa na napag-alamang dinukot din ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa kanilang bahay sa San Jose Del Monte ilang araw na ang nakararaan.

Humingi na rin ng tulong sa pulisya ang mga kaanak ni Mabesa habang tiniyak ni Supt. Fritz Macariola na gagawin nila ang lahat ng makakaya upang matagpuan ng buhay si Mabesa.