Abante Tonite Interactive

Marami ang sasaya

0 232

Tiyak na n­giting tagumpay lalo na ngayong nalalapit na Kapaskuhan ang mga e­mpleyadol ng gobyerno at mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagbibigay ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte na maari silang tumanggap ng regalo.

Sa mga nagdaang panahon ay mahigpit na ipinagbabawal lalo na ng Civil Service Commission (CSC) sa mga taga-gobyerno na tumanggap ng regalo sa publiko, kabilang ang mga nakakatransaksyon ng mga ito.

Sa atin ay sang-ayon tayo sa pagbabawal ng CSC pero mas nakikitaan natin ng katotohanan ang order ng Pangulo.

Maaari kasing sinusunod ang direktiba ng CSC pero baka higit na marami ang isinisikreto lamang ang abutan ng regalo.

Kaya dito na tayo sa utos ng Pangulo para transparent at makasisigurong regalo lang ang iniaabot at hindi padulas para mapabilis ang isang nila-lakad na dokumento sa isang ahensiya ng gobyerno.

Sa totoo lang naman wala tayong isyu sa pagtanggap o pagbigay ng regalo. Ang hindi lang natin masikmura ay presyuhan ang isang nakikipag-transact sa gobyerno para mapabilis ang kanyang transaksyon.
Hindi na po iyan regalo, malinaw na pangingikil na ‘yan na ayaw ng ating Pangulo.
***
Lumawak pang lalo ang responsibilidad ng netizens hindi lang ng media sa ilalim ng Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act.

Dahil anumang ibi-nabahagi sa social media lalo na’t walang basehan ay may kaakibat ng kaparusahan.

Ito ang nagtulak kay Executive Secretary Salvador Medialdea para kasuhan sa ikalawang pagkakataon ang ko-lumnista at siya ring PH envoy to China Ramon Tulfo.

Pumalag kasi ang ES sa alegasyon ng PH envoy na inupuan nito ng mahigit isang taon ang apela ng isang Felicito Mejorada sa claim nitong P272.07 million mula sa gobyerno bilang reward money.

Dahil sa sinulat ni Tulfo, sinabi ni Medialdea na nakaapekto ito sa kanyang malinis na reputasyon at nakakasira sa imahe ng kanyang opisina, ma-ging ang paningin ng publiko.

Maliban sa kaso sa nag-aakusa ay nilinaw ni Medialdea na apela ni Mejorada ay naka-pending pa sa Office of the President ng tatlong buwan.
Nauunawaan natin ang hugot ni Sec. Mediadea, napakahirap talagang akusasyon ang ibinabato sa kanya. Totoo na kahit walang katotohanan ang alegasyon katulad ng kanyang paliwanag ay mag-iiwan ito ng pagdududa sa mata ng publiko.
Pero ang sa akin, wala akong nakikitang dapat ipangamba ng ES dahil malinis ang kanyang track record dahil hindi pa ito nasasangkot sa kontrobersiya.
Sino pa ba ang makakalimot sa pumutok na balita na nakipagsuntukan itong si Tulfo sa isang showbiz couple sa loob ng airport, na lumabas bilang isa sa Top 10 Smackdowns in 2012, esep, esep!