Abante Tonite Interactive

Marami pang itutulong ang larangan ng sports

549

May mga kakilala ako na mga taga-sports, mga atleta, businessman-sportsman, recreational athletes at iba ang tumutulong sa ating mga kababayan sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon sanhi ng coronavirus disease 2019 pandemic.

Nakakausap ko sila sa social media (socmed) sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Pero ayaw na nilang ipabanggit o ipasulat ang kanilang mga ginagawa. Dahil mga kaibigan ko sila. Sumusunod lang po ako.

Nakakatuwa naman dahil totoo sila sa kanilang mga ginagawa. Ang makatulong sa ating kapuwa na mga nangangailangan sa panahon ng krisis.

Hindi naman na po ako nagtataka dahil likas naman talaga sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin lalo na sa oras ng mga kahirapan, kagipitan, trahedya at iba pang mga kalamidad,

Sa halos tatlong linggo na ng Luzon lockdown at iba pang kapuluan natin, bumubuhos ang tulong ng mga nasa sports.

Nariyan si San Miguel Corporation Vice-Chairman, President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang na siyang may ari ng San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel at Magnolia Chicken sa Philippine Basketball Association (PBA), na nangunguna sa mga good smaritan.

Si First Pacific Company Limited Managing Director & CEO Manuel V. Pangilinan na nagpapatakbo rin ng North Luzon Expressway, Manila Electric Company at Talk ‘N Text sa nasabing unang propesyonal na liga sa Asia at bansa.

Sina cage stars June Mar Fajardo, Terrence Romeo, Christopher Ross, Arwind Santos, Japeth Aguilar, Lewis Alfred Tenorio, Jean Marc Pingris, Ian Sangalangm Christian Jaymar Perez, Calvin Abueva, Vic Manuel, Beau Belga, Ryan Arana, Kiefer Isaac Ravena, Ferdinand Ravena III, volleyball stars Alyssa Valdez,Julia Melissa Morado at marami pang iba.

Ang tingin ko marami pang mga aayuda sa ating mga kababayan na mula sports sa sandaling matapos din ang lockdown. Aligaga rin kasi ang marami dahil sa limitadong pagkilos lang kaya tinatapos lang muna ang ECQ.

***

Kung may nais po kayong itanong o gusto po ninyong magkomento, mag-email lang po sa ramilcruz2003@gmail.com, ramilcruz2003@yahoo.com.

Manalangin din po tayong lahat na sana’y matapos na po ang COVID-19 pandemic. Hanggang sa susunod pong Lunes mga Ka-Abante TONITE.

Tonite – Wendys Inhouse Ad