Abante Tonite Interactive

Marami pang kaso ikinakasa kay Faeldon

By
8

Kinumpirma ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na marami pang kaso ang kanilang inihahanda laban kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sinabi ni Lacson na hanggang ngayon ay patuloy pa ang pagdagsa ng mga dokumento sa kanilang tanggapan na may kinalaman pa rin sa mga iregularidad sa Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng pamumuno ni Faeldon.

“We rely on the documents, we rely on the testimonies of the witnesses na galing sa BOC,” ani Lacson.

Abante Hiring – IT dep

Noong Huwebes, inihain ni Lacson sa Ombudsman ang kasong economic sabotage laban kay Faeldon at ilan pang tauhan ng National Food Authority (NFA) dahil sa rice smuggling sa Cagayan de Oro City noong Marso.

Nag-ugat ang reklamo ni Lacson sa pagpasok ng P34.043 million na halaga ng bigas na walang import permit.

Sinabi ni Lacson na hindi lamang kapabayaan ang ginawa ni Faldon sa shipment kundi sadyang hinayaan itong makapasok sa bansa.

Kabilang sa ikinakasa pa nilang kaso kay Faeldon ang hiwalay pang rice smuggling sa Batangas gayundin ang may kinalaman sa P6.4 billion na halaga ng shabu shipment na nakalusot sa BOC.

“Marami pang daratig na kaso sa kanya so lahat na paghahamon niya ito ang katugunan. Because i will not take it sitting down also,” saad pa ni Lacson.