Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maraming bata kulelat sa distance learning – survey

0 195

Muling kinalampag ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga awtoridad sa sektor ng edukasyon para tutukan ang kalidad ng distance learning matapos lumabas sa isang survey na maraming bata ang walang natututunan sa pag-aaral ngayong may pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Gatchalian, chairperson ng Senate committee on basic education, batay sa survey ng Pulse Asia sa mga magulang mula Pebrero 22 hanggang Marso 3, mahigit 63% sa 1,200 kalahok ang may anak o inaalagaan sa basic education.

Wala pa umano sa 50% o naitala sa 46% lamang ng mga magulang o guardian ang nagsabing natututo ang kanilang mga anak o inaalagaan.

SM food to go Banner Ad

Nasa 25% o isa sa apat naman umano ang nagsabing hindi natututo ang kanilang mga anak. tatlo sa 10 o 30% naman ang hindi matukoy kung natututo ang kanilang mga anak o hindi.

Binanggit ni Gatchalian na hirap sa pagsagot sa module ang karaniwang problema ng mga magulang.

“Bagama’t pinagsisikapan nating ituloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya, makikita nating marami pa rin sa mga mag-aaral ang hindi natututo sa ilalim ng distance learning at pati ang kanilang mga magulang ay nahihirapan din. Kung hindi natin tututukan ang pag-angat sa kalidad ng edukasyon sa kalagitnaan at sa pagtatapos ng pandemya, lalong mapag-iiwanan ang ating mga kabataan,” ayon kay Gatchalian.

Leave A Reply

Your email address will not be published.