Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Webb bilib sa bagong henerasyon ng PBA

0 95

Aminado si dating senador, basketball player-coach at actor Freddie Webb na mas maraming magagaling na mga manlalaro ngayon sa Philippine Basketball Association (PBA) kaysa nang panahon niya.

“Pinalad lang ako mas maraming magagaling na players ngayon kaysa sa akin noon,” pahayag ng 1976-78 pro league baller sa Tanduay Rhum Makers at 1981-83 YCO-Tanduay bench tactician, sa Balitaan at Kumustahan sa Politiko Live kasama si Jon Ibanez nitong Miyerkoles.

Wala namang binanggit na manlalaro ngayon si Webb, 78, maliban sa anak na si Jason na nagging PBA player (1997-2001) at coach (2015-16) ding tulad niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung may may gustong balikan sa sport, pulitika at pag-aartista, No. 1 ang basketbol pa rin sa kanya .

“Itong basketball naman kasi ang una at tunay na dahilan kaya ako naging artista, kaya rin ako napasok sa pulitika,” suma ni Webb, na Philhealth naman ang maipagmamaling nagawa sa pulitika.

Pinanapos niyang hindi man niya kayang makapaglaro pa ng full contact sports tulad ng basketball, pinauubaya na niya ito sa kanyang mga anak..

Sa ngayon masaya na aniya siya na kasama ang mga anak at apo, at tahimik na ang buhay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.