Abante Tonite Interactive

Maraming nagawa si Harry Roque

Aksyon Lady

By
612

Ilang buwan na lang at pipili na naman tayo ng mga bagong lider ng ating bansa. Ngayon pa lang ay marami na nga ang umeeksena para magpakabida.

Aminin natin na mas marami ang trying-hard para mapansin. Nakikisawsaw, may nagkukunwaring kumokontra. At para mas safe, dun na sila sa susuporta kuno para pogi points.

Pero may iilan naman po na talagang bida. Yung may malasakit sa kapwa. Yung tumutugma sa palasak na kawikaang “tunay na Pi­lipino sa isip, sa salita at sa gawa.”

Para sa personal kong pansala, swak po dito ang ating presidential spokesman na si Atty. Harry Roque.

May K po ba ang pambansang spokesman na humilera at maki­pagbalitaktakan sa Senado kung kinakailangan? Aba eh, oo naman po.

Isa pong abogado itong si Mr. Spokesman na alam himayin at ipaliwanag ang mga batas.

Kamakailan lang ay iniharap niya sa national television ang mga binu-bully na mangingisda natin ng mga taga-coastguard ng China.

Ipinakita niya talaga na galit siya sa kaswapangan ng mga Tsino at pangmemenos sa ating mga mangingisda na sapililitang kinukuha ang magagandang huling isda kapalit ng sigarilyo lang at kung ano-ano pang ­wala namang halaga.

Si Harry Roque rin po ang tumayong abogado para sa mga kasamahan namin sa media at mga pamilya nila na mga biktima ng ­Maguindanao massacre.

Si Harry rin ang nagpa-convict sa Amerikanong sundalo na si Private First Class Joseph Scott Pemberton na pumatay sa 26-anyos na transgender na si Jennifer Laude noong Oktubre ng 2014. Katuwiran ng Kano, hindi niya raw alam na transgender si Laude. Uubra ba sa ating abogado ang katuwirang yan? Hindi po, kaya nga guilty ang hatol sa kanya ng korte.

Bilang isang Kongresista naman, makasaysayan at makabuluhan ang mga isinulong niyang panukala. Siya ay co-author ng Libreng Tui­tion para sa mga estudiyante ng State Universities at Colleges (SUCs) na tinatamasa na nga­yon ng mga mahihirap pero matatalinong kabataan natin.

Ang spokesperson din po ng Palasyo ang nagpanukala para sa Free Irrigation o patubig sa mga farmer o Magsasaka.
Hindi lang po yan, si Harry Roque rin ang nagsusulong ngayon ng panukalang bigyan ng libreng pananghalian ang mga estudyante sa elementarya sa mga public school sa bansa.

Sabi niya, sa elementarya pa lang ay dapat ng maging solid ang acade­mic foundation ng mga kabataan. Gusto niya, busog at malusog ang mga mag-aaral para makapag-aral silang mabuti.

Paano nga naman makakapag aral ang mga estudyante kung minsan ay gutom sila, o di kaya’y malnourished.

Bilang kinabukasan ng ating bayan, ­mahalaga kay Harry Roque ang kalusugan ng mga bata.

Dagdag puntos po, si Harry Roque rin ang nagsusulong ng Universal health Care Bill na magbibigay ng libreng gamot at pagamot sa ating lahat. Sa panahon nga­yon na mga unano at pandak na lang ang hindi tumataas, aba eh ba­wal na bawal po talaga ang magkasakit lalo na’t kung walang madudukot na pampagamot.

Oh sino nga ba ang dapat iboto? Ito pa rin ang tanong ng marami sa atin. Madalas nating marinig sa telebisyon, radio o dyaryo ang paulit-uilit na paalala na tayo ay bumoto ng tama at pumili ng karapat-dapat.

Ngunit sino nga ba ang tama? Aba eh simulan na po nating pumulso.

HARRY-nawa na tama po ang ating maging desisyon.