Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maraming Pinoy wais para makatipid sa enerhiya

0 67

Ang agresibong promosyon sa kahusayan ng enerhiya at konserbasyon ng kasalukuyang Duterte administration ay nagdagdag sa kamalayan ng maraming Filipino pa makatipid sa kuryente, ayon sa Department of Energy (DOE).

Upang mapataas ang kamalayan sa energy saving, inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), DOE, at SM Supermalls ang ‘energy efficiency and conservation information campaign’ sa SM BF Parañaque kamakailan.

Sa kaniyang speech, hinikayat ni Energy Utilization Management Bureau director Patrick Aquino ang mga sambahayang Pilipino na obserbahan ang mahusay na paggamit ng enerhiya upang mabawasan at mapagaan ang tumataas na pangangailangan sa pamamagitan ng paggamit ng mga energy efficient appliances, pagsasanay sa pagtitipid at ang pagsama-sama ng renewable energy.

“Our goal is to have sustainable, secure, sufficient, accessible, and reasonably priced energy. You are part of ensuring that energy efficiency and conservation will become a way of life for all Filipinos,”pahayag ni Aquino.

Dagdag ng opisyal ng DOE, matagal nang pinagsisikapan ng public at private sectors ang pagpo-promote ng energy efficiency at conservation.

Sa parte ng gobyerno, sinabi ni Aquino na target nito na mabawasan ng 10 porsyento ang kanilang magagamit na elektrisidad.

“The goal is for the government to shift to more energy efficient light emitting diodes (LED) as well as inverter type for air cooling systems not later than 2027,” anang opisyal.

Nangako naman si SM Supermalls Corporate Compliance vice president Liza Liserio na ipagpapatuloy nila ang pagpapatupad ng kanilang programa sa pagtitipid ng elektrisidad at tatapikin nila ang kanilang clean energy suppliers para sa pangangailangang enerhiya ng malls.

SM food to go Banner Ad

Naobserbahan din ng lighting manufacturer na Firefly Electric and Lighting Corp. at ng Japanese air condition producer na si Daikin ang paglipat ng mga Filipino consumers sa energy efficient household appliances.

Sinabi naman ni Firefly marketing director Erik Kristofer Riola na lumakas ang kanilang kumpanya sa compact fluorescent lamp (CFL) category, subalit nakapokus na sila ngayon sa energy efficient LED.

Nakita rin ni Daikin ang patuloy na paglago ng 25 percent annually sa Philippine market ng kanilang split-type air conditioning units, na energy efficient kumpara sa window-type air conditioning.

“Energy efficiency is the capability of using the same electronics and technologies but consuming less energy that translates to lower electricity bills,” ayon naman kay PCOO Undersecretary Kristian Ablan.

Binanggit ni Ablan ang mga benepisyo sa pagsasanay ng energy efficiency and conservation, gaya ng pagpapababa ng greenhouse gas emissions, pagbawas sa pagkonsumo ng enerhiya na magpapabagal sa investment requirements ng energy generation and transmission infrastructure, at magpapatatag sa presyo ng elektirisidad.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan na ipagpatuloy ang information drive upang mahikayat ang maraming Pinoy na lumipat na sa energy-saving appliances at magsanay ng energy efficiency and conservation.

“In the coming weeks, we will be traveling all over the country and we will be having very similar events, such as this to try to remind our fellow citizens about being energy efficient,” dagdag pa ng PCOO Undersecretary. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.